Filipino >>
Lukso ng Dugo

<b>Emergency:</b> Obrang Dugo

Click to watch this video
GMA7 TV "Obrang Dugo"


[ click to read opinion ]



Erose
(1992 5X3ft blood on canvas)


Lukso ng dugo 1
(2001 10X12in blood on canvas)


Lukso ng dugo 2
(2001 10X12in blood on canvas)


Lukso ng dugo 3
(2001 10X12in blood on canvas)


Lukso ng dugo 4
(2001 10X12in blood on canvas)


Lukso ng dugo 5
(2001 10X12in blood on canvas)


Dispay 1


Display 2

This painting is originally done by the painter who uses his own blood for his medium , one who possesses the characteristics of truth in himself and he who refrains from colonialism in thoughts and materials. Combined with the philosophy of the painter who molded his thoughts and well-being, he is able to build self-confidence and self-esteem since his childhood.

Acceptance of His Fate
"All the things that were not good that happened in the past must be accepted whole -heartedly.The Lord may have a plan for you.

Fate - Do not be afraid of death
If you are afraid to die, you may be afraid in everything that you do.You will be afraid to travel or walk in the darkness.

Have Trust In The Lord
Our Creator has the humility and love--whoever you are ,He will love you.

These philosophies are related to the principles of the Painter,the same aspiration that his belief to see for himself the projects that he finished in the days to come ,and even when the time comes that he is no longer living in this world, he can still prove to himself that when he comes back ,he will be sure that these works were made by him with his blood as part of it.

Blood is Flowing (Blood is Jumping)

"Lukso ng Dugo" (Filipino term) -- when a loved one left a family and have not seen each other for a long time, and an unexplainable feeling of happiness when they see each other again.This is a basis that the blood connects the family and the mutual feelings in this situation.




Katawagan ito sa mga pangyayaring pagtatagpo sa pag-itan ng magulang at anak kung saan ang anak ay nawalay ng matagal sa kanyang magulang noong ito ay sanggol pa lamang at sa paglipas ng panahon na muling pagkikita na hindi na sila magkakilala.

Sa pagtatagpong ito, nararamdaman ng bawat isa ang pagtitiwala, kagaanan ng kalooban at pagtangi sa hindi nakikilalang anak o magulang. Dahil daw yon sa lukso ng dugo o iisang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat. sabi nga nila "Like father like son".

Pilosopya ng pintor

Bawat pangyayari at mangyayari sa buhay sa mundo ay may palatandaan o pahiwatig. Kailangan lang natin itong alamin, saliksikin at gamitin ng tama. Sa kabila ng pagka hi-tech ng kasalukuyang mundo at katalinuhan ng tao, may mga pangyayari pa rin na hindi maarok at hindi marating ng siyensya. Isa na rito ang pagbabalik mula sa wala o muling pagkabuhay.

"Pagbabalik mula sa wala" reincarnation - ito ang madalas na paniniwa ng mga makasining o artist na may kaganapan sa mundo na ang namatay na ay muling babalik, ngunit sa ibang katauhan na, maaaring bilang hayop, puno o halaman, kulisap, bato o muling tao depende sa naging bunga ng itinanim sa nakaraang buhay sa dating mundo.

Kung ang pagbabalik ay sa nakaraang mundo pa rin, katuwaan ng bawat isa na matandaan o maalala pa ang mga bagay na iniwan noon. Kaya hanggat maaari lagyan ito ng palatandaan, simbolo o marka na magpapatunay na sa iyo ito.

Si amangpintor naglagay na ng kaniyang palatandaan sa kanyang mga gawa. Sa paniniwalang muli niya itong makikita.

****

1992 natala sa kasaysayan ng Unibersidad ng Gitnang Luzon "Central Luzon State University (CLSU)" ang pabibigay parangal sa isang estudyanteng dibuhista na nagmula sa bayan ng Pantabangan si amang na tinatawang ngayong Amangpintor.

ito rin ang kaunaunahang pagbibigay parangal at pagpapakita ng mga gawang sining o painting exhibit sa CLSU. Halos mapuno ang lobby ng College of Arts and Science sa mga obra ni amangpintor. Mga pinta na mula pa idad pito (7 years old) hanggang idad 18. Namangha ang lahat sa mga nakitang mga obra, pinag-usapan at hinangaan.

Agaw pansin rin ang isa inyang obra na live-size na "EROSE", naging usapin sa buong unibersidad, kung saan sariling dugo niya ang kanyang ginamit sa canvas.

Tunay na dahilan at pangyayari isang gabi bago ang kanyang exhibit..

5:00PM
"@ Dr pwede bang magpakuha ng dugo sa akin kahit 50ml lang"
"+ bakit saan mo gagamitin?"
"@ may paggagamitan lang po ako"
"+ Hindi kami pumapatay ng tao dito"

7:00PM
Sa sariling kuwarto sa Dorm ng Freshwater Aquaculture Center sa CLSU habang nasa labas ng room at nag-aalala ang ilan niyang mga ka-miyembro sa Samahang makasining o Artist Club, nagsariling sikap si amangpintor na kumuha ng dugo sa katawan.

Mula sa daliri - pinta - naubos at natuyo, mula sa paa - pinta - natuyo uli, mula sa braso - pinta - naubos uli, mula sa... pulso - pinta - ayaw huminto na ng patak.

5:00AM
Nagpilit nang pumasok ang mga brad nito sa kuwarto, nakita nilang naka handusay na at lambot na lambot ang pintor.

6:00PM simula na ng parangal, nakaipon na ng lakas ang pintor, halos mapuno ang koliheyo sa mga estudyante at mga gurong sasaksi sa kasaysayan.

Sa mga nakalipas na taon, bihira lang ilabas o e-exhibit ang mga obrang ito sa publiko sa pangamba ng pintor na pamarisan o makaimpluwensya ng iba na mapunta sa negatibong bunga. Hanggang sa kasalukuyan dugo rin niya ang gamit niyang panglagda sa mga makabuluhang pinta niya at ilang mga piraso ng kanyang katawan tulad ng buhok, kuho at iba pa.

"Paalala! - huwag pamarisan kung hindi mo dama sa sarili at sa puso"

Mga obra ni amangpintor

Gawa sa tunay na buhay, buhay na dugo at pagkatao ng pintor, isang kakaibang paghahanap sa sarili, sa pagka-makatotoo at pag-iwas sa maka-kolonyal na kagamitan at pangkaisipan. Kaakibat nito ang pilosopya ng pintor tungkol sa buhay.

Pilosopyang humubog sa kaisipan at pagtitiwala sa sarili. Pagtanggap sa kapalaran, lahat ng hindi magandang bagay na naganap sa buhay ay tanggapin ng maluwag sa puso, marahil may plano ang Maykapal - Kapalaran. Huwag matakot sa kamatayan, at Magtiwala sa Maykapal. Ang Lumikha ay may kababaang loob at mapagmahal - sino ka man mahal ka ng Niya. Ang Pilosopyang ito ay umuugnay sa paksa ng pintor, tulad ng pagtitiwala na muli niyang makikita ang kanyang mga gawa sa paglipas ng panahon at kung siya man ay alabok na at muling magbabalik sa mundo, masasabi pa rin niyang sa akin ito, gawa ko ito.

Mga Tulang Hango sa Pilosopya ng Pintor

  • Pagsapo sa mga Luha ng Kandila
  • Tata Paalam sa Ngayong panahon
  • Langkay na Signal ng Pag-ibig

    Iba pang website na related dito

  • bernadette sembrano (TV Show)




  • SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
    San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
    my email: amangpintor@yahoo.com
    webiste: http://www.makasining.org

    Locations of visitors to this page