Filipino >>
Pagsapo sa mga luha ng kandila
Ni Elito V. Circa (2001)

Ako’y simbolo ng malinis, dalisay at makasining na pagkatao

Apoy ko’y buhay ng makasining na tumatanglaw sa landas ng kamakasining at tatanglaw sa daan ng kalikasan.

Sa bawat patak ng luha ng aking buhay, may makasining na taos-pusong handang tumulong, sumapo sa init ng luhang sanhi ng aking asul at mapanglaw na buhay.

Buhay na itinakdang may hangganan sa bawat mundo, buhay na maaaring maulit kung hindi dito’y sa ibang mundo ng kasaganaan o kalungkutan.

Sa bawat mundong may pag-asa na may muling magsisindi at bubuhay sa aking liwanag. Sa bawat mundong may sindi na alam kong kabawasan ng paulit-ulit kong buhay hanggang maupos at di na muling mabuhay kailan man.

Sana’y may ulap na may buhay, may kamay, may isip at damdamin na titipon sa aking mga usok upang buuin ang tali ng aking kasaysayan upang maging daan at marating ang kalawakan ng walang hanggang kaliwanagan.

Hiling ko lang sa tagasindi ng aking buhay na maraanan ang aking nakaraang ginawang daan upang higit na mapagbuti at mapakinabangan ng nakararami.





SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page