Filipino >>
Saan ka Tutungo
Ginawa: Nobyembre 7, 2004 ni Amangpintor

Katatapos ng meeting at inuman namin nila shubert, jun at reggie. Naguwian na sila at ako natira sa upuan, naka 2 beer pa ako taga simot ng mga natirang mga pulutan.
Nakikipag laro sa mga anak, tawanan utuan, Tapos na ako uminom, time na pumunta ng CR

Tatay saan ka pupunta? Sa CR buliklik, bakit sasama ka?
Sa CR, magpaplash na sana ako ng tae, pero nag plaszz ang;

Saan ka pupunta? tanong ng anak
Sumagi ang tanong ko sa tatay ko noon tuwing aalis ng bahay, pag-alam kong nagbibihis na si Tata.

Minsan natutulog ako sa dorm ng FAC, biglang dumating sila ces at willi. Pinilit nila akong ginisin. “O san tayo pupunta, habang si ces kinukuha na ang mga damit ko at inilalagay na sa aking bag”. Kahit saan!

Sa minalunao park, hapon na nang dumating kami sa sityo Papaya, namili kami ng mga pagkain.
Tanong ng tindira, saan ang tungo ninyo? Sa minalungao po

Sa mga nasasalubong ko, “bakit kayo bumamalik?”

Kapatid, saan ka pupunta?

Asawa - saan ka na naman pupunta? Para sa mga anak natin ito

saan kayo pupunta, sama ko.

Saan nga ba tayo pupunta? Basta ang alam ko bawat galaw o paglalakad ay may dahilan, pero kalimitan ayon sa pinapangarap at ginugusto. Karaniwan hindi ka maitindihan kung bakit ka aalis. Ang dahilan, minsan kailangan mo lang palang ilabas ang sama ng loob o para sa iniwan kaya lilisan.




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page