Filipino >>
Pinto sa Bintanang niluluma
ni Amangpintor 10/28/2008

May mga pagkakataon na mas madaling lumabas kaysa pumasok, mas madaling magpatulong kaysa tulungan, mahiga kaysa gumawa, kung sabagay magkakapatid yan sabi nga ni ka joey ayala sa awit niyang magkabilaan.

Sa pagdungaw mo ng nakatingala sa bintana, bagong idiya o isang ekspirimentong bagay na hindi mo alam kung saan o ano ang papatunguhan. Kalimitan ang ekspirimentong o pagsubok na ito ay ginagawa lang sa computer programming o drawing sa autocad dahil dito undo command lang babalik na ang lahat sa dati. Iba talaga ang ekspirimento o pagsubok ng bagay sa buhay. Sa mundo minsan kailangan ang mga ito para maglabasan at matanaw mo sa bintana yon bang inaakala nating wala, mga ispiritu, duwende at mga laman lupa o laman langit.

Nakakatuwa lang minsan ang ekspirimentong ito, nakakagising, nakakakaba, nakakakuha ng atensyon ng iba. Maraming apiktado lalot isang bagay na mahalaga ang nasaloob nito. Maraming magagalit, maraming magtatampo, marami din namanng matutuwa at sasangayon. Subalit sa pagsang-ayon ng iba yon naman ang pagdadamdam ng iba.

Nakakatuwa rin na nagiging makata ang pumabaloob o malalim ang nagiging usapan, minsan pala kailanangan natin ang mga bagay na ganito upang maglabasan ang talino sa pagsasapapel ng mg idiya. Higit.., masarap sa bahay ay puro pinto sa kabila ng puro bintana, mas marami kasi ang nangangailangan ng pinto sa ganitong sitwasyon kaysa bintana.

Minsan sa ekspiriment na ito, hindi mo alam kung ano ang magiging bunga. Malalaman mo lang na mali kung nagkagulo na ang lahat. Malalaman mo lang na tama kung matanda ka na at ito ang sinundan at namunga ng ginto.

Pero mas higit ang paghihirap ng kalooban kung ang pagsusubok na ito ay tumungo sa isang negatibo at walang saysay na labanan. Kung pwede lang sanang parang karton na tom & jerry sa TV na pagnaglaban walang nasasatan. Kahit gaano kasakit sa damdamin magbalibagan, maghagisan, suntukan, barilan at pokpukan sa huli parang bata pa rin na parang walang nangyari.

Obrang Dugo o Lukso ng Dugo, tama ang ilan na ekspirinto ng paghahanap ng sarili sa buhay na hindi pa alam kung ano ang papatunguhan. Pero sa kabila nito, tunay na damdamin, pagibig na nais patunayan at gustong ipabatid ang dahilan. Tulad ng mga nakapag-aral tungkol sa isip ng tao na pumuna rito, nag-ibaiba man ang kuro-kuro na humantong sa isang pagtatalo ng lahat, pero buo at magkakaisa pa rin sa isang idiya na ang gumawa ay isang makasining na may pagmamahal sa sining - paggalang.

Iisa lang naman ang nais ipabatid ng lahat ng ito ang dimaturingang pagsasaayos ng lahat at pagpapahalaga sa mga bagay na alam mo, na kapiraso mo. Kadalasin din na humihingi tayo ng kapatawaran kung ang eskpirimento ay hindi katanggap-tangap sa nakakarami o negatibo ang apekto.




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page