Filipino >>
Bawat Galaw
(by Amangpintor, Girlie  12/1/2017)

(mula sa Tik-Tak-Bo indie film)

Intro

I
Kay ganda ng buhay, Kahit na mahirap
Araw ay sisikat buhay din ay uunlad
Ang Diyos ay nandiyan di tayo pababayaan
Tulog na O mahal, di kita iiwan

II
Oras ay tuunan ng pansin sa ating buhay
Hirap ay malalampasan kung tayo ay magtulungan
Pagmamahal ay ibigay sa ating mga mahal
Pangarap na inaasam sabayan ng dasal

Koro:

Bawat galaw ng oras ay galaw din ng mundo
Kailangan mong sumabay sa pag-inog nito
Kahirapay malalampasan, pagunlad ay matatamo
Magsumikap ka, Abutin ang pangarap mong itinakda sa iyo

III
Buhay ay uunlad, kung tayo’y magsisikap
Kawalan ay hindi hadlang sa minimithing pangarap
Pangambay iwaksi at sa Diyos manalig
Bawat oras ay punlaan ng mabubuting bagay

Ulitin II.. ulitin Koro




See more Literary


SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page