Filipino >>
Pag-ibig Muling Mabubuhay (Makukulnay)
(by Teresita Circa & Elito V. Circa  9/21/2009)

I

Ang espiritu ng pagibig,
Nakikipag-ugnayan mula sa nakaraan
hanggang sa kasalukuyan
Pinagtagpo ng dakilang panahon
Ako`y para sa iyo, ika`y para sa akin

II

Ang ating tunay na pag-ibig,
Pagmamahalang sinubok ng panahon
Batid nilang laan sa atin
Hanggang kailan titindig sa unos ng buhay
Maghihintay ako... maghihintay sa `yo...


Korus:

Hindi magbabago pag-ibig ko sa iyo
Muling mabubuhay sa bawat panahon
Sino man ang ngayon mahalin mo ng lubusan
Dahil bahagi ito ng kinabukasan

III

Ang bulong ko sa hangin,
sana`y makarating sa langit
Pag-ibig mo`y muli kong maranasan
Kailan kita muling makikita
Sa lugar ba na puno ng tunay na pag-ibig

(Ulitin ang Korus)

Base on Makukulnay Short Film 2009
Music by: Marlon A. Pascual
Writen & Lyrics by: Teresita Circa & Elito V. Circa
Sung by: Nelson Buisel & Teresita Circa
MTV at Youtube.com (Click this)




See more Literary


SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page