Filipino >>
Langkay na Signal ng Pag-ibig

Kataga ni Elito V. Circa (10/14/2003)
Tunog ni Nelson Buisel (11/25/2016)

Intro: C G Dm 2x

I: C G F C G Dm

Mapalad ka kaluluwang mang-hihimig
Na may marami nang nagawang himig
Dahil may kabayo kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

II: C G F C G Dm

Mapalad ka kaluluwang manlilikha
Na may marami nang nagawang kataga
Dahil may agila kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

Koro: C G Dm G C G Dm F G Dm F G Dm F G C

Oh awit gamitin mo langkay na signal
At maglakbay sa kalawakan
Umabot man ng kung ilang daang siglo sa paglalabay
Maiparating lang pag-ibig sa sandaigdig.

III: C G F C G Dm

Mapalad ka kaluluwang mang-aawit
Na may marami nagawang awit
Dahil may timemachine kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

(Ulitin ang Koro)

Instromento: C G Dm G C G Dm F G Dm F G Dm F G C

IV: C G F C G Dm

Mapalad kayo kalikasang makasining
Kung mula sa puso nyo ang likhang sining
Dahil bathala tayong gagabay
Patungo sa lahat na karatig ng ating daigdig

{Ulitin ang Koro}

Mapalad ka.. x3 ohhh
Mapalad ka.. mapalad kayo... mapalad tayo.. ohhh
Mapalad ka.. mapalad kayo... mapalad tayo..
may langkay na signal ng pag ibig



See more Literary


SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page