Filipino >>
Munting Daliring Kumakamot
(by ni TitSir Ka  12/1/2009)

Likas sa ating mga Pilipino ang maka-Dios, may paniniwala sa susunod na buhay at malikhain pagdating sa sining. Sa kabila ng ating kakulangan sa mga material na bagay, ninanais pa rin nating tumayo sa sariling pagsisikap upang matupad ang mga pinapangarap.

Tulad nalang dito sa Baryo Malbang sa bayan ng Pantabagan na may tinag-uriang Amang na kinilala hindi lamang sa galing niya sa pagpipinta kundi ang paniniwala ninya sa buhay at pagmamahal sa bayang sinilangan. Makikita ito sa kanyang istilo sa pagpipinta.

Tanong: �Bakit sa tuwing nagpipinta ka may parang imahin akong nakikita, parang taong may hilahilang kariton?�

Sagot: �Si Minggan yan, isang pasalin-saling kwento ng mga matatanda rito, basihan ng lolo ko sa hulang luluboog ang aming bayan sa tubig. Imahin rin ng pagsasakripisyo ng bayan naming.�

Mababanaag rin ang kanyang pagmamahal sa kalikasan at layunin nitong ipreserba ang yamang kasaysayan ng kanyang bayan.

Tanong: �ano ang mga paborito mong ipinipinta�

Sagot: �dahil namulat ako sa ganda ng kapaligiran dito sa bayan namin, mga view ng bulubindukin at dalampasigan ng ilog ang kadalasan, at dahil namulat din ako sa kahirapan ng bayan naming noon, puro tungkol sa bayan, kasaysayan, mga nawawalang lugar, kasalukuyan pangyayari at binabalikan ko rin ang mga magagandang alala, lugar at pangyayari rito sa bayan naming para ipinta.�

�Ipinipinta ko na yung ngayong kapaligiran kasi baka balang araw maglaho na rin na tulad ng pagkakapalubog ng bayan namin�

Paano nga ba nagsimula ang batang tinaguriang �Katutubong Pintor ng bansa� sa kabila ng kaniyang kakulangan sa kagamitan sa pagpipinta at maipagpatuloy ang nakahiligang sining.

Sagot: �nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpinta ng magpinta, dahil sa mga papuri ng aking mga magulang, kapatid at ng ibang mga tao.�

Tanong: �Pang ilang anak ninyo ba si Amang?�

Sagot-Ina: �pang pito siya o bunso sa aking mga anak, sina Lita, flory, Maria, Ampiong, Resty at kay Martina na pitong taon din bago siya sinundon ni amang�

Isang magaling na karpintero ang kanyang Ama, mula sa trabaho nag-uuwi ito mga tira-tira na pintura para ipasalubong lang sa anak na bunso. Kun brush naman na gagamitin sa pagpipinta ng anak wala ring problem dahil sa tuwing ginugupitan ng buhok ang anak, nagiipon na ito ng mga buhok na deritso upang gawing brush at take note magaling din palang barbero ang tatay.

Sagot Ina: �gumugupit ang MR ko noon ng aluminum na tubo o element ng antenna ng TV o kaya lata na mga isang pulgada ang haba, doon niya iniipit yung bohok ni amang at nilalagyan ng sanga ng kahoy, yon na ang brush niya�

Sagot: �Marami ngang naiiwan na buhok ko sa mga pinta ko noon, College na kasi ako bago ako nakahawak ng brush na nabibili sa bookstore. Kaya ito na rin ang itinuturo ko sa mga bata kung wala silang brush�

11 years old noong nagsimula siyang nagpinta, gamit ang mga pinturang ginagamitan ng thinner na maaaring makasira ng kalusugan ng isang taong gumagamit nito.

Sagot asawa: �Napansin ko nga mahina na ang kanyang pang amoy, kasi kahit yung malalakas na amoy sa paligid hindi nila naaamoy, minsan nga na food poison pa yan dahil hindi niya naamoy na yung tirang sardinas pala ay sira na�

Tanong: �Sino ang nagturo sa iyo lalo na sa mixing ng kulay?�

Sagot:�Natutunan ko nalang sa sarili, di ko alam noon na may pang tubig at may pang thinner pa pala na pintura. Nagpaghahalohalo ko noon yon, pero napapansin ko noon na umiibabaw ang pinta na may tubig at malagkit naman yung pang thinner na pintura. Kaya mula noon pinaghihiwalay kuna yung pang tubig at pang thinner na pintura�

Tanong: �Ano pa ba ang iba mo pang kagamitan?�

Sagot: �Kadalasan uling sa kalan na minsan hinaluan ng mantika ang ginagamit ko noon pag may nagpapadrowing sa akin ng mukha, ang canvas ko noon ay malapad na bato o mga retaso ng flywood, kung wala sa pader ng bahay nalang namin�

Ang pagpupursiging ito na matutunan ang lahat ng bagay ang naghatid sa kanya sa tagupay. Tagumpay sa nga pangarap niyang maging ganap na mahusay na alagad ng sining. Patunay rito ang ilan niyang feature sa TV, sa diyaryo, sa Radio at maging sa internet na lalong nagbigay sa kanya ng higit na pagkilala at kasikatan. Kasama na rito ang mga ilang panalo sa mga patimpalak at mga inbitasyon upang magturo at magpakita ng aktong pagpipinta na walang gamit na brush at tanging mga kamay at daliri lamang niya ang kanyang ginagamit.

Tangong: �Gaano mo na katagal ginagawa itong pagpipinta na walang brush?�

Sagot: �Unang nakitaan ko niyan si ka Paeng Pacheco sa mga abstract painting niya, pero dahil sa lagi akong iniimbitahan para magturo sa mga baryo, bayaan, sa schools at kung sansaan, naisip ko na magandang paraan ito para mas malakas ang dating para mas lalo nilang matandaan ang itinuturo ko, isa pa nalilibang silang panuurin ako.�

Wow! Naturalistic o realistic ang mga gawa ni amangpintor kahit sa daliri lamang at sa loob ng 5 hanggang 10 minuto natatapos niya ang isang pinta na may sukat na 24X28 inches. Bukod pa rito ang akala mo na basahan at pinaghugasan niya ng mga kamay ay isa pa palang obrang pinta.. wow talaga.

Bukod sa galing niya sa pagpipinta, hindi ninyo naitatanong magaling rin siya sa pagsulat ng mga sanaysay at artikulo. At dahil computer world na ngayon, isa sa pinakamalakas niyang pinagkakakitaan ay ang computer animation, digital video editing, video shooting, website development and design at computer programming. Dahil sa galing niya sa computer multi-media, kamakailan lamang muli silang tumanggap ng parangal sa natatanging galing sa paggawa ng FILM o �Best Film Editor� sa Department of Education � Division of Nueva Ecija.

Tanong: �Bihira ang tulad mo, mapasining man o sa computer, paano mo napagsasabay sabay mga trabaho mo?�

Sagot: �Trabaho ko sa BPRE o sa government computer programmer and System Analyst 18 years na ngayon, siguro dahil don iniisip ko na ang buhay at mga gawain sa araw-araw ay parang rin sa computer na programming, bawat oras ito yung time line mo tulad sa programming dapat maayos ang flow chart ng code para tumakbo ng tama ang systema, ganon din sa buhay, halos walang pinagkaiba sa programming ng mga gawain sa araw-araw�

Pagtutro at pagbabahagi ng kaalaman sa sining ang advocacy bumubuhay sa katauhang tulad ni amangpintor. Kung kaya�t kahit sa kalye, sa daan, sa ibat ibang mababa at mataas na paaralan o sa ibang barangay matatangpuan si amang, nagtuturo, nagbabahagi, nagaaktong magpinta at nagiiwan ng mga likhang sining kahit saan siya mapunta. Tila isang panata sa buhay, isang pagsasakripisyong kailan man ay hindi masusuklian ng sinuman.

Sagot: �Magaan ang buhay, maluwag at sana sa bayan ko, sa pamilya at mga anak ko lang yung sukli hehehe.�

Siya na rin ang sumusulat ng kanyang sariling libro na ginagamit naman niya sa pagtuturo ng sining sa pagpipinta. Ilan sa mga libro niya ang ang madaling paraan sa pagpipinta ng mukha at katawan ng tao, paraan ng pagpipinta ng kapaligiran, sining sa pagunlad ng bayan, sining ay gamot sa kalikasan, kultura ng laro ng lahi at ilang sulatin tungkol sa paniniwala sa buhay, sa sining at kung paano nakikipag-usap ng mga bagay na walang buhay o may buhay at mga espiritu sa tao.

Tanong: �Paano mo naisulat ang mga ito?�

Sagot: �College ako noon, kasama ang grupo ko noon ang Samahang Makasining o Artist Club lagi ang lakbay-aral naming noon, laging umaakyat sa mga tagong bundok, pumupunta sa mga makasaysayang lugar at yon sa pagmumunimuni nabuo ko itong mga sulatin ko. Si willi at ces ang mga promotor noon mga mentor ko sa paglalakbay. Doon na ako niwala na kapagnaranansan mo, nakita at nahawakan ang isang karanasan ay hindi mo kailanman malilimutan. Kaya sa pagtuturo ko kahit walang nang libro, para nalang akong ng kukwento ng aking karanasan. Marami rin akong tanong na sa paglalakbay ko natagpuan ng sagot, ang pagibig, si Misis Tits doon ko rin natagpuan�

�Ang masasabi ko lang sa mga susunod na makasining, tiyaga lang, harapin ang takot, gumawa sa mga bagay na ikakasiya ng Maykapal, Isalin ang kaalamang natuklasan at natutunan sa mga susunod na hinirasyon�

Kalimitan sa mga katutubong pintor na tulad ni amang matatagpuan ang mga kakaibang paniniwala sa pangkaraniwan. Taglay rin ito ng mga ninuno naniniwala sa kapangyarihan ng bathala. Kung maihahambing sa kasaysayan ng mga ninunong Pilipino noon, ang paniniwala nila sa kabilang buhay ay makikita sa mga artifact na matatanpuan sa kuweba sa gawing Palawan, mga marka ng mga daliri sa pader ng kuweba ang nagpapatunay sa mga paniniwala nila ukol sa kabilang buhay, markang kulay pula na mula sa mga katas ng kahoy halos ang ginamit.

Tanong: �Paano o saan nagsimula ang istilo at pasyon mo sa paggamit ng iyong sariling dugo at buhok sa pagpipinta?�

Sagot: �Bata pa lang ako namulat na ako sa paniniwalang may buhay sa kabila ng pagpanaw, sa sariling imahinasyon, pananaliksik at pagmumunimuni sa buhay ang naging batayan ko sa aking paniniwala. Ito rin ang nagiging gabay ko para mas lalong magsikap, magbahagi ng kaalaman at bubuo ng mga obrang kailan man ay hindi malilimutan, mga gawaing naaayon sa kagustuhan ng Maykapal�

Tanong: �Bakit dugo at hair ang iniiwan mong palatandaan ng mga gawang sining mo?�

Sagoit:�Bukod sa scientific na matibay ang buhok at DNA upang malaman ang may gawa, Mas makabuluhan para sa akin na halos pati kaluluwa, espiritu at katawan ko ay dumikit sa aking pinta sa canvas. Lukso ng Dugo, ito yung mga series ng painting ko, parang sa isang ama na nawalay sa kanyang asawa, nagbutis, nanganak, pagkatapos lumipas ang ilang taon may nakita siyang bata, magaan ng loob niya dito at lagi na nilang hinahanap hanap na makita, hanggang makilala niya na iyon pala ay yong anak nilang nawalay dahil sa LUKSO ng dugo.�

�Parang sa mga pinta ko na kung sakaling bumalik ako sa susunod na buhay maaaring maalala o kung hindi man ay magkaroon ako ng kakaibang pakiramdam na sa akin ang mga obrang pinta�

Bagamat iilan lamang ang nakakaunawa at nakakaintindi sa tulad niyang pintor, hindi naging hadlang ito upang ipagpatuloy ang pagiging makasining. Ang mahalaga aniya ay ang paniniwala at pilosopya na naging matibay na daan sa ladas niyang tinatahak sa ngayon.
Makatulong at magpaunlad ng bayan sa pamamagitan ng sining at higit sa lahat maunawaan at matutunan na ang lahat pala ng bagay laluna ang kalikasan ay dapat pagpahalagahan.

�Makasinng tagapamagitan nga ba ng Maykapal?�



See more Features



SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page