Ano ang sining ? Sa mundo na ating ginagalawan, maraming pagpapaliwanag tungkol sa sining, kani-kaniya, sari-sarili at pagpapalitang kuro-kuro sa pagkaunawa at nadarama tungkol dito. Kadalasan ang mga nagpapaliwanag nito ay yaong nakadadama na at nakaranas na ng damdaming makasining.
Sining - pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa lahat ng puso. Noong nilikha ang sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil ginawa ito ng masining na pamamaraan. Sa taglay nitong kagandahan marami ang humanga, kalimitan rito ang mga may damdaming makasining at nagpapahalaga sa sining.
Ano at sino ang Kalikasan? Ang mundo na ating ginagalawan ay may kalikasan. Kalikasan, binubuo ito ng mga bagay na hindi gumagalaw at gumagalaw, tulad ng kahoy, hayop, damo, tao at marami pang iba. Ang tao ang pinakamagandang kalikasan na nilalang ang Kataastaasan. Ang Panginoon ang pinagmulan naman ng kalikasan, ang kalikasan ay pinagmulan ng kagandahan at ang kagandahan ay sining. Ang kalikasan ay nagsisilbing inspirasyon ng isang alagad ng sining.
Tatlong uri ng sining 1. Sining - craft Sa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing inuulit-ulit ng gumawaga dahil sa kagustuhan ng iba at nagiging palamuti lamang sa bahay ay masasabing Sining. Dahil ang mga ito ay kulang sa damdamin ng gumawa at ang maaring hangarin ay kumita ng pera.
2. Parang sining - abstract Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang tanging makakaunawa ay mga kapwa makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang kahulugan at kulang sa imosyon at para lamang masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito kung buong-buo ang isipan at damadamin habang siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang ipahiwatig.
3. Tunay na sining - damdamin Ang gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis ay tunay na sining sa dahilang buong-buo ang isip at damdamin nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang taong naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang kalbo at walang kapunopunong kabundukan, nasa pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang kagubatan.
ANG SINING AY UGNAYAN Masarap maging isang alagad ng sining - para bang lahat ng bagay ay kaibigan at nakikipag usap. Iba't-ibang anyo ng buhay. mukha at hugis. Iba-iba rin ang pamamaraan ng pakikipag-usap. Tulad ng tubig sa batis na nakikipag-usap. Tulad minsan sa aming paglalakbay sa bundok ng Gabaldon, sa probinsiya ng Nueva Ecija. Ang tunog ng tubig sa batis ay nakakatakot na tila ayaw kaming patuluyin o papasukin sa madawag na kagubatan. Ang mga tunog nito ay masakit pakinggan. Paglipas ng tatlong araw at dalawang gabi sa gitna ng kagubatan, oras na para mag-ayos ng mga dalahin, ipunin ang mga iginuhit at linisin ang kapaligiran. May mga ibang grupo ang dumating at naligo sa falls. Nag-iinuman ang mga lalaki at pati mga babae. Umalis at iniwan ang mga basura kung saan-saan.
Hindi natin masisisi ang batisan kung bakit ganoon nalamang ang tunog ng kanyang pagsalubong. Nakakatuwa na rin ang kanyang paalam sa amin. Matapos naming linisin ang kanyang daluyan at kapaligiran, tila tahimik ang lagaslas ng tubig sa batuhan at may indayog na kaysarap pakinggan at sabayan ng pangangarap.
Ang mga bato ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang hugis, kulay at posisyon. Ang lalaking bato karaniwan ay magaspang, sa babae naman ay makinis. Naipapahayag nila ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng posisyon at mababanaag naman ang kanilang personalidad sa taglay nitong hugis at kulay.
Minsan, sa mga halaman o punong kahoy, nadirinig ang kanilang mga tinig sa pamamagitan ng ugong na nagbubuhat sa mga dahon nito. Ang punong lalaki ay may magaspang na balat at matipuno, diretsong pangangatawan. Samantalang ang babae ay may makinis na balat at malalantik ang mga sanga.. Ang damdamin nila ay ipinapahayag sa pamamagitan ng kanilang kulay, ugong at mga pilantik ng katawan at sanga. Ang hayop ay mas madaling maunawaan, tulad ng asong kapag natututuwa, walang humpay ang buntot nito kakakawag. Kapag nagagalit naman ay umaangil. Kulang na lang sa kanila ang matutong magsalita upang lubos na maunawaan.
Iba't-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin, ulap, ibon at ang mga bagay sa panaginip ay nagbibigay pahiwatig sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan. Minsan ang mga espiritu ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panaginip at pandama ng tao.
Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-aaral sa bawat mga galaw nito.
Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang maniningin. Ang style na ito ay ginagamit sa kaisipan ng tao dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect.
Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang makasining sa pamamagitan ng masining na paggawa.
BILANG ALAGAD NG SINING May Pilosopiya sa Buhay - ito ang siyang tumutulong sa pagtahak ng tao sa kanyang buhay. Panuntunan at daan na sinusunod sa pagtahak at paghahanap ng kahulugan ng buhay. Ang Pilosopiyang ito ay matatagpuan at mauunawaan lamang kung kilala mo na ang iyong sarili. Sa paghahanap ng sarili nangangailangan ito ng pakikisalamuha sa ibang tao, maging mahirap man o mayaman. Kilala mo naba kung sino ka?
May mga Pilosopiyang mahirap maarok dahil ang mundo ng taong maytaglay nito ay baliktad at mahiwaga. Tulad ng isang alagad ng sining na ang paniniwala sa buhay ay nahahambing sa isang bilog na walang katapusan.
May Istilo sa Paggawa - sa paggawa ng sining-biswal nararapat lamang na may istilo (style) kung paano gagawin ang isang sining-biswal. Ang ibang alagad ng sining ay gumagamit ng kamay o daliri sa pagguhit, ang iba naman ay brush at ang iba naman ay bibig o paa. Mayroon ding kakaibang kagamitan tulad ng mga dahon na tuyo at mga katas ng halaman sa pagbuo ng mga natural na kulay.
Sa pamamagitan ng Pilosopiya sa buhay unti-unting natatagpuan ng makasining ang kanyang istilo. Tulad ng isang Dibuhista na ang paniniwala o Pilosopiya ay - ang buhay ay bilog, pag ang tao ay pumanaw na sa mundo, babalik at babalik mula sa ibang katauhan. Kung kaya ang mga ginagamit nito sa pagdi-dibuho ay puro hugis bilog.
ANG ALAGAD NG SINING
Ano nga ba ang pagiging Alagad ng Sining?
Mapag-isip sa lalim ng buhay at pilit na tumutuklas sa hiwaga ng kanyang pakatao. May mga kaisipang di pangkaraniwan na naiiba sa paniniwala ng nakakarami. May paninindigan sa sariling pagpapaliwanag ng kahulugan ng buhay. Mga hindi maarok na gawain nagpapasigla sa kanyang damdamin. Mapag-sakripisyo sa ikagaganda ng buhay ng kapwa.
Ano ang tungkulin ng isang Alagad ng Sining? Sila ang daan ng paghahatid ng balita ng kalikasan, ng mga espiritu, at kalawakan. Sila rin ang taling nag-uugnay sa noon at pangkasalukuyan kaalaman.
Sino ba ang tunay Alagad ng Sining?
Lahat tayo ay alagad ng sining ngunit iba-ibang kaisipan at paggawa. May mga Natural at may Artipisyal na alagad ng sining. Ang mga Natural na alagad ay yaong gumagawa ng pang-araw-araw na sining tulad ng pagluluto, pakikipag-usap, pag-aaral, pagtulog, pagtatrabaho at iba pa. Ang Artipisyal na Alagad ay yaong gumagawa ng nobela, nagdadrama, nagpipinta at kumakanta.
Kung sabihin ng iba na ang aking mga gawa ay gawa ng isang bata ito ay aking ikatutuwa. Dahil ang mga batang nagsisimulang humawak ng lapis, nagsisimulang kumembot at nagsisimulang kumanta ay mga tunay na alagad ng sining sa dahilang hindi nila alintana kung pangit o maganda ng kanilang ginagawa basta ang nais nila ay maihayag ang kanilang saloobin at damdamin, at maligaya sila sa kanilang ginagawa.
"Bakit siya magaling magdibuho ng mukha ng tao?" Ito ay pangkaraniwang tanong na kung sasagutin ay madali lamang. Sa nakadama na ng kahulugan ng sining, ang tanong na ito ang mahirap sagutin. Nangangailangan pa ito ng paglalakbay ng buhay at pa-salin-salin na karanasan. Maaaring ang taong may taglay nito ay kung ilang ulit nang nabuhay sa mundong ito. Maaaring sa una niyang buhay ay natutunan niyang magdibuho ng ilong, sa pangalawa niyang buhay ay natutunan niyang magdibuho ng mata, sa ikatlong buhay natutunan niyang magdibuho ng bibig, sumunod na buhay ay tainga hanggang sa kasalukuyan natuto siyang ihubog ang kabuoan ng mukha. Sa haba ng karanasan sa pasalinsalin na buhay, lalong lumalalim at kaiba ang pagtahak at paniniwala ng isang alagad ng sining sa buhay. At ang tanging makauunawa lamang sa kanya ay ang taong paulit-ulit na ring nabuhay.
Magic realist - last petal Sining ay pag-ibig - De Vinci
Sa pagbuo ng tinatawag na 3 Dimensional Form nangangailangan ito ng mga sumusunod; Color, Line-Shadow at Brush stroke.
ELEMENTO NG SINING
1. Kulay Asul - kalungkutan, dalamhati, kabanalan, langit, tubig, kaalaman. Pula - katapangan, dugo, apoy, init, masaya, galit., kasalanan Dilaw - inggit, masaya, apoy, init Orange - karunungan Green - tao, kalikasan.kaginhawahan Violet - kalungkutan, dalamhati, kapayapaan, kabiguan Brown - bahay, kahoy, mga gawang mekanikal Puti - kalinisan, dalisay, simple, relihiyoso, kabutihan Itim - misteryoso, hiwaga, kasamaan, makasalanan
2. Hugis Bilog - Buhay, mundo, walang hangganan, pagtutulong-tulong Kudrado - Balanse, pantay Tatsulok - katalinuhan, kataas-taasan,kalaliman, kabanalan
3. Linya Pahiga - dalamhati, kapayapaan, katahimikan, kamatayan Patayo - balanse, lakas ng loob Pahalang - paggawa, aktibo galaw Palikoliko - lito sa buhay, dalamhati
4. Tema - pangkalahatang kahulugan ng ginawa.
5. Tekstura Magaspang - lalaki, masungit, masama Makinis - babae, mabuti, dalisay
6. Kagamitan - brush, pabel, lapis, at iba pa.
7. Balanse
ISANG PAALAA NG SUMULAT
Ang natunghayan dito ay base sa karanasan ng sumulat at tanging nasa inyo ang pagpapasya kung ang inilahad dito ay tama. Pulutin ang naaayon sa inyong damdamin at pagaralan ang taliwas na kahulugan. Saliksikin mo ang buhay baka sakaling matagpuan mo ang iba pang kahulugan ng Sining.
|