Filipino >>
HIMIG AT KATAGA
ni Elito V. Circa

Himig ay ang ina at ama ng mga kataga o salita na siyang gumagabay sa bawat kataga patungo sa isang makabuluhang pamilya, ang awit. Awit ay parang isang pamilaya na may layuning tumulong upang mabuo ang tunay na bansang may kultura at sining.

Awit ay isang anito ng sining at kultura na gumagabay patungo sa isang maayos na lahi. Dahil ang sining ay ispiritu at kultura ay kaluluwa ng lahi.

Awit rin ang mabisang paraan upang mabilis na maiparating ang damdamin ng isang nilikha lalo na ang tao sa kalikasan. Ito rin ay gumagamit ng langkay na signal (frequency) na lumulutang-lutang at naglalakbay sa kalawakan ng kung ilang daang siglo at kayang makarating sa kabilang daigdig.

Awit rin ang mabisang paraan upang mabilis na maiparating ang damdamin sa puso, pumasasok sa tainga at gumagapang sa kaugat-ugatan patungo sa utak at sa puso. Signal ng awit ay isang ring paraan upang palakasin ang mga mekanismo ng dugo ang anti-body at yumayanig at pumapatay sa mga kaaway ng katawan.

Awit ay isang uri ng hindi napapansin na kapangyarihan at maaaring taglayin ng kahit sinong bagay na gumagalaw. Himig o tunog, kapangyarihang taglay naman ng bagay na hindi gumagalaw.

Mapalad ang mga kaluluwa ng mang hihimig na marami nang nagawang himig, dahil may kabayo na silang magagamit patungo sa kabilang daigdig.

Mapalad ang mga kaluluwa ng manlilikha ng kataga o salita, dahil may magagamit silang kalabao patungo sa kabilang daigdig.

Mapalad ang mga kaluluwa ng mang-aawit na marami nang nagawang awit, dahil may magagamit na silang timemachine patungo sa kabilang daigdig.

Mapalad ang makasining kung mula sa puso ang awit at may magandang layunin, sapagkat laging bukas ang pinto ng karatig nating daigdig.



SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page