Filipino >>
Ang mga kulay ay nagbibigay ng kaginhawahan sa ilang mga problemang pang kalusugan

Magenta – Sakit ng ulo, Umagang sakit, Migrane, Shock o pagkagulat, Nausea, Stroke, Vomitting
Violet – wala sa katinuan, Conjunctivitis, Earache, Menopause, Myopia, Neuralgia, Paranoia, Warts
Asul – Ubo, Bunog, Bulutong, Tigdas, Pangangati, Asthma, Acne, Anxiety, Backache, Blisters, Bruises, Cramp, Dermatitis, Earache, Emphysema, Flatulence, Gallstones, Glandular fever, Hay fever, Hernia, Herpes, Hiccups, Influenza, Laryngitis, Lumbago, Mumps, Premenstrual tension, Sneezing, Sores, Sprains, Stammering, Stings, Stress, Sunburn, Tonsillitis, Toothache, Wheezing
Berde – Sakit sa puso, Pagsakit ng dibdib, Gastric Ulcer, Angina, Peptic Ulcer, Trauma, Tumours, Warts
Dilaw – Arthritis, Hepatitis, Jaundice, Rheumatism, Stiffness
Pula – Ubo sipon, Anaemia, Leukemia, Numbness
Orange – Sakit sa bato, sakit sa baga, Rheumatism, Stiffness, Ulcer, Agoraphobia, Alcoholism, Arthritis, Constipation, Depression, Fatigue, Gallstones, Gout
Turquoise – Abscess, Acne, Asthma, Boils, Catarrh, Cold sore, Dermatitis, Eczema, Fatigue, Fever, Hay fever, Pneumonia, Stings, Stress, Swellings, Tension

AURA – Ang balat ng tao ay may pitong (7) balat at ang aura ay tumatakip sa katawan ng tao. Bawat nilalang na may buhay ay may sariling aura na walang kaparis. Sa agham na pagpapaliwanag ang aura ay ang puwersang hatak-tulak (electromagnetic field of colours) sa pamamagitan ng kulay na dumadaloy at inahahatid ng brasong nakadiritso. Ang galaw ng enerhiya sa pamamagitan ng kulay ay nagbibigay ng reaksyon sa lahat ng mga pagbabago. Ilan sa mga nakakakita nito ay yaong sanay na at may karanasan sa pakikipag-ugnayan sa kalikasan o mga may kakayahang manghula, ginagamit nila ang kanilang matinding pakiramdan at kakayahan na maunawaan ng mga kulay na lumalabas sa katawan ng tao upang maglapat ng kaukulang kulay sa ikakaginhawa ng may sakit o bigyang kahulugan ang mga ito.

Sinag at Kulay
Isang patunay na ang sinag ay may malaking apekto sa kalikasan, tulad ng berde sa dahon o Green of Chlorophyll na nakikipagniig sa sinag ng araw upang makabuo ng lakas o enerhiya sa paggawa ng isa pang bahagi ng kahoy kahit ito ay walang buhay. Ang tamang sinag na kulay ay tunay na kailangan ng mga halaman gayon din sa buhay ng tao. Kung ang isang tao ay masusubrahan sa pagkabilad sa araw di malayong magkaroon ito ng Malignant Tumours, ang iba naman ay ninanais na magpasinag ng infrared upang maibsan ang sakit na neuralgia.

Paraan sa pagtingin
Maraming klaseng pamamaraan, ang pinaka pangkaraniwan ay ang paggamit ng mga bagay na kumakatawan sa kulay na iyong napili. Tulad halimbawa ng bulaklak na kulay dilaw, piliting gawing isang kulay ang nakikitang dilaw sa imahinasyon.

Pagtingin ng kulay at Pagmumunimuni
Ugaliing kabisaduhin ang mga kahulugan ng kulay, Ang kulay ay ang isa sa makapangyarihang gamit sa pagbabago ng mood, pag-uugali, at mapagbuti ang pang araw-araw na buhay. Ang pag-aaral ng kulay bilang gamit panggagamot sa pamamagitan ng pagmumunimuni ay malaking bagay sa pagpapanatili ang tama at magandang kalusugan sa isip at katawan ng isang tao.





SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page