PANAGHOY NG BAYAN
(ni Elito V. Circa 2003)
Dumarating na
Daloy ng pagbabago
Tubig na libingan ng mga alala
At ng yaman kong kalikasan
Paalam sintang bayan,
kung batid mo lamang
Daghoy mo’y punyal
na naka tarak sa aking puso
Masakit mang pagmasdan
Sisinghap-singhap mong kalagayan
Kailangang tiisin at tanggapin
Alang-alang sa hakang kaunlaran
O bukid kung yaman
Bakit ako iniwan
Dito sa kawalan
Oh bukid kong kanlungan
at banga ng mga alaala
Kaluluwa mo’y ialay sa tubig
Upang sa bawat inom ko nito’y
Dumaloy sa ugat at dugo
ng aking pangungulila
Paalam sintang bayan,
paningin ko’y hahalik
sa bawat umagang ika’y matunghayan