Filipino >>
Lambing ng bunso
ni Elito V. Circa (10/3/2002)


Araw araw, araw mo nanay
Buhay moy sinulid ng buhay ko
Lambing moy haplos sa aking puso
Halik moy gamot sa damdaming kong nagtatampo

Santo ka ng aking pagkatao
Bulaklak ka ng aking kaluluwa
Kwento moy itinutuloy ng aking panaginip

Waring anting-anting ang gatas mong timpla para sa akin
Waring napaka linis ng aking mundo, kung ikaw ang nagpaligo sa akin
Waring pinaka maganda ng aking damit, kung ikaw ang nagsuot sa akin

Ikaw ang lagi bida sa mga kwento ng tatay
Ikaw ang bakal sa pundasyon ni tatay
Araw araw, araw mo nanay




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page