Filipino >>
MANITONG UGALI
Kataga ni Elito V. Circa at himig ni Nelson Buisel

Intro:
I
Gusto ko’y laro at laging tawanan, tawa(hahaha)nan
Gusto ko’y laging lumulundag ang aking puso
Gusto ko’y hinahabol ang hanging payaso
Na tumatakas sa aking puso
Basta gusto ko’y laging hinahatak ng puso, ugat ng aking mukha

II
Alam ko iya’y mga laruan na libangan ng isip
Alam ko na kaya kong laruin yan
Bakit ayaw ninyong ipalaro sa akin
Ayaw ko ‘tong laruan na ibinibigay n’yo sa akin
Hindi mukhang masaya at kulang sa kulay


Chuorus:
Kung ayaw ninyo’y tatangis ang puso ko
Ayaw niyo ahhhh babaha sa dibdib ko
Maglulumpasay pati katawan ko
Kahit sinukin sa pag-iyak di titigil kung ayaw niyo
Lumayas man kaluluwa kong manito di parin titigil

III
Pagkain kaya ang mga itong kay gagandang kulay at hugis
Parang kay sarap isubo at laruin ng aking mga ngipin
Bakit ayaw ninyong ipakain sa akin
Ayaw ko ‘tong pagkaing isusubo ninyo sa akin
hindi mukhang masarap at kulang sa kulay




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page