Filipino >>
BUTIL NG BUHAY
ni Elito V. Circa

I

Oh butil huwag yumuko at paghinaan
Huwag bumitaw sa uhay ng paninindigan
Maraming gintong pitak ang umaasa sa iyo
Pag-asa ka pati ng puso ko

II

Oh butil ng buhay at pag-ibig na dalisay
Hayaan iduyan ka ng aking mga palad
At damahin ang init ng aking paglingap
Butil ng buhay ngunit heganteng pag-ibig

Korus:

Mananahan ka sa puso ko magpakailan
Habilin ko sa hangin sanay ibulong sa langit
Makita ang iyong kaluluwa sa buhaghag na lupa
Upang sagayon galak at kaunlaran
ang badyang maiiwanan

III

Sa pagkarapa sa lupang tigang at nag-aapoy
Hayaan diligin, apulain ng luha ko at pawis
At tigibin ng pag-asang muli kang makakaahon
Butil ng buhay laging pagyamainin




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page