Filipino >>
Hakbang at hakbangin ng pinta at taga-pinta
(Abril 1, 2009 ni Elito V. Circa)

Kamakailan lamang sa Paloma Resort, Guimba nitong Marso 28 taong kasalukuyan, isang larawan ng kalikasan na may bukirin, batis, karsada, puno at nasisirang bakod ang muli hinugot mula sa sining-isip. Sa tulong nga mga hininga, titig at ngiti ng mga taong nakapaligid rito, napagalaw at napadampi ang mga daliri ng dibuhista sa isang kuwadrinong taga sapo ng mga pintura. Sa tulong din ng halakhakan at awit ng mga bulong nabuo ang obrang larawan.

Talagang malakas ang pwersa ng mga manunod sa isang alagad ng sining, ito ang pinanggagalingan ng lakas at inspirasyon lalo na kung ang mga ito ay mga batang marami pang katanungan sa buhay. Masarap ipakilala sa kanila ang pilosopya ng sining at makasining, ang kahalagahan nito at tungkulin sa mundo, sa kalikasan at sa bayan.

Nasubo ngunit may galak ang dibuhista at mga kapatid nito sa Samahan ng tumbad ang daan-daang mga batang mag-aaral sa Gym ng Guimba upang turuan ng simpleng pagpipinta.
Nakakabilib ang mga proyekto ng Radio Natin Guimba noong nakaraang Disyembre 2008, nagpamigay sila ng mga gamit at bumuo ng Silid Aklatan sa mga paaralang liblib na baryo sa guimba. Kasama na rito ang pagbibigay kaalaman tungkol sa sining ng dibuhistang si Amangpintor “Baryotik na dibuhusta ng Pilipinas”. Baryotik, salitang makamasa at makabayan na sa iba ay walang kabuluhan pero sa tenga ng isang makasining isa itong musika at karangalan.




SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page