|
|
Saving Nature, Saving Paw Prints sa Pilipino Mirror Christmas Party
(by Pilipino Mirror 12/26/2019)
|
Ngayong taon, ang naging tema ng Christmas party ng PILIPINO Mirror ay ang Saving Nature, Saving Paw Prints. Sa nasabing tema ay naipakita ang iba’t ibang galing at talento ng bawat isa sa pagdidisenyo ng kani-kanilang outfit.
Bawat outfit din ay pinagbawalang gumamit ng plastic. Karamihan sa outfits ay may mga disenyong bulaklak, dahon at paro-paru na simbolo ng pagmamahal sa kalikasan. May iba ring gumamit ng totoong dahon at bulaklak para mamukod-tangi ang ka-nilang costume o kasuotan.
Isa pa sa ikinatuwa ng bawat empleyado ng PILIPINO Mirror ay ang pagdalo ni Elito Circa na mas kilala sa tawag o pangalang Amangpintor. On the spot ay ipinakita ni Amangpintor ang kanyang natatanging galing sa pagpipinta gamit ang kamay.
Namangha ang marami sapagkat napakadali niyang natapos ang kanyang tatlong obra na nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.
Source: http://pilipinomirror.com/saving-nature-saving-paw-prints-sa-pilipino-mirror-christmas-party/
|
See more News
|
SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org
|
|
|
|
|