|
|
Dugo, pinampipinta sa obra!
(by Remate 10/27/2019)
|
Manila, Philippines – Isang Pilipinong pintor na tubong Nueva Ecija ang gumagamit ng sariling dugo at buhok sa mga nililikha niyang obra.
Kinilala itong si Elito Villaflor Circa, 49-anyos, isang internationally known folk artist na mas kilala bilang si “Amangpintor”.
Kadalasan ng mga obra ni Amangpintor ay may paksang myhtologism at mythicalism.
Itinalaga siya bilang “First Hair and Blood Painter” ng kanyang henerasyon at ang kanyang signature subject ay “Legend of Michigan”.
Si Circa ay kinilala rin bilang ama ng Indigenous Art na nag-aadvocate ng Contemporary Indigenous Philippine Art at nagpasikat ng Hand Painting performances na nililikha sa loob ng 5 hanggang 10 minuto sa isang 432 square inches na canvas gamit lang ang tatlong primary colors.
Ayon sa pintor, pag-express sa sarili ang pagpipinta gamit ang kaniyang dugo at masaya rin daw sa pakiramdam dahil hindi ito puwedeng dayain.
Nagsimula raw ito bilang eksperimento dahil nanghinayang siya noon nang masugatan. Ginamit niyang pampirma ang dugo, hanggang sa sinubukan naman niya itong ipangguhit.
Ilan lamang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador, pambansang kamao, na si Manny pacquiao sa mga sikat na taong ipininta ni Circa.
Source: https://www.remate.ph/dugo-pinampipinta-sa-obra/
|
See more News
|
SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org
|
|
|
|
|